Ano Ba Talaga Ang Online Job at Ang Maling Pananaw ng Pilipino Dito

Masarap magtrabaho sa balay kapag kasama ang pamilya at mahal sa buhay. Walang traffic,walang katrabaho na pakikisamahan at walang boss na hindi marunong mag intindi ng iyong pinagdadaanan.. Pero ano ba talaga ang Online Job at bakit mali ang pananaw ng mga Pilipino dito?

Ang online job ay ang pagtratrabaho sa bahay gamit lamang ang  internet at laptop/PC.Ito ay nangangahulugan na ikaw ay may isang totoong boss na pinagtatrabahuhan  at ang pagkakaiba lang nito sa normal na trabaho ay ang katotohanang nasa bahay ka lang. Masasabi din isang online job ang pagbebenta ng mga bagay-bagay online maging itoy sa facebook or kahit anong flatform gamit ang internet.Malaki ang pwedeng kitain sa ganitong trabaho, tyaga at tiwala sa sarili lang ang magiging puhunan.

 

Ano ang pagkakaiba nito sa mga trabaho or online job daw na makikita sa social media?

Marami ang nagsasabi na may online job daw na gamit lang ay cellphone at free data ng facebook. Ang gagawin ay mag recruit ng ibang tao para sumali sa kompanya.Walang produkto na ibinibenta at walang boss na susundin. Sa bawat tao na ma rerecruit ay may kikitain na.  Ang ganitong  scheme ay hindi  online job  at hindi rin ito maituturing na trabaho.Kung iisipin, ang perang ibabayad or kikitain mo ay galing lang dun sa taong naingganyo mo na sumali sayo.

Online job ay halos pareho lang sa tipikal na trabaho,may oras ng pagpasok at may mga task na dapat gawin. Maraming pilipino ay nag aakalang madali lang ito pero itoy hindi totoo. Marami sa kanila ay kulang sa tulog lalo na kung may deadline na hinahabol.

 

Magkano ang bayad sa isang online job?

Ang bayad sa isang online job ay depende sa skills at hirap ng trabaho. Pinakamababa ang 3$ kada oras at ito ay pwedeng umabot hanggang 35$. Pinapadala ang bayad dito sa bansa sa pamamagitan ng Paypal,Bank Transfer at minsan  Western Union. Maraming nagtatrabaho sa online ay kumikita ng lagpas 100k kada buwan pero depende padin ito kung ano ang nature ng trabaho.

 

 

Loreto Llosala

Loreto Llosala is a teacher by profession but chooses to become an online freelancer that focuses on the different administrative job. Currently doing DIY projects related to solar & Internet connectivity. Writing is his past time and he loves to share it with everyone.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *